|
Why is it so difficult to write simply -- and not just simply but sotto voce, if you know what I mean? That is how I long to write. No fine effects -- no bravura. But just the honest truth, as only a liar can tell it. - Katherine Mansfield, A Married Man's Story
|
Ang Awit Ng Aking Buhay
Eto ang theme song ko para sa araw na ito. Kaninang umaga lang ay nabiyak na naman ang puso ko. Kung kailan ka naman handang magmahal ay saka ka pa mamalasin. Siguro talagang ganito lang ang kwento ng aking buhay. Sabi ko nga kay Drew, it hurts. It hurts like a stake through the heart. Bukas makalawa malamang nakatawa na ako ulit. Kikilos ulit ako ng normal, magmumukhang okay, pero sa totoo lang, hindi. Hindi ako okay. Pakiwari ko'y hindi na ako ulit magiging okay kailanman. Bahala na si Batman kung saan ako pupulutin pagdating ng panahon. *************************** Saranggola Sa Ulan Titik at Musika ni Gary Granada Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik Ng una kong sinta at kalarong paslit At ang sabi ng matatanda Siya ay maalwan, ako'y dukha Di raw kami bagay at kayraming dahilan Ngunit si Bakekay ay walang pakialam Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan Ang pag-asa'y walang hanggan Pag-ibig ay walang hadlang At lilipad ang saranggola sa ulan. At kung ang pagsinta ay di man nagtagal Ang mas mahalaga natutong magmahal Umibig na walang panghihinayang Kahit malamang na masaktan Kanina lang, sa aking tabi'y may aleng lumiko At sa pagmamadali, nasagi ang aking puso Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan Gaya ng lagi't laging sinasabi ko O siya nawa ay siya na nga ang totoo. Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian Ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan Heto ako, tumatandang Nakahandang panindigang Ang bato sa tubig ay lulutang At lilipad ang saranggola sa ulan. ******************* Oo nga pala, malugod na pagtanggap kay Thor. It feels good to know that you're reading this, actually. Makes me feel that I'm not just howling in the wilderness. Welcome, Thor.
posted by spidergrrl @
1:35 AM
|
21.1.05  |
|
|